Saturday, August 13, 2022

https://www.tumblr.com/blog/view/3xyheart/164722819906?source=share

Friday, June 29, 2012

a funny true story...

sa loob ng kumpisalan sa isang simbahan..

babae: father, magiging kasalanan ko po ba kung makipaghiwalay ako sa asawa ko?

pari: huh? kasalanan pa ba un? eh si Kris Aquino nga nakailang asawa at divorce na, reliheyosa at reliheyoso pa ang pamilya nun!


-pwede na palang maging santa si Kris Aquino at gawing patron saint ng mga naghihiwalay. hahaha...:D

Tuesday, February 14, 2012

ABAKADA ng Matamis Na OO :)

Tips sa panliligaw para sa inyo mga BOYS:)

(Harana ni Nicos mula sa Nestle Philippines Kasambuhay Habambuhay Short Film Anthology: “OH! Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah!”)

* A for ALIPIN. Magpa-alila ka. Ibigay mo ang lahat sa kanya.

(Yeah! Syempre dapat mag-effort ka at ipakitang lahat kaya mong gawin para sa kanya.)

* Ba for BANDERA. Isigaw mo sa madla! Ilakas mo at huwag kang mahiya!

(Tama! Kung mahal mo, huwag mong itago! Paano nya malalaman kung di mo sasabihin.)

* Ka for KILITI. Dapat mahuli mo.

(Alamin ang mga LIKES at DISLIKES nya.)

* Da is for the DA MOVES.

(Create your own style para mapansin ka nya.)

* E for EXTRA EFFORT. Laging may sobra.

(Syempre, pa-impress ka naman.)

* Ga is for GALANGIN MO SYA.

(Numbero unong gusto namin sa lalake yung marunong rumespeto sa mga babae at matatanda.)

* Ha mag-HOKUS POCUS ka.(ABAKADAkabra!)

(Do some magic.Inde literal syempre.)

* I for INSEKTO. Para mapasiga… mapayakap sayo.

(Para-paraan… hahaha)

* LaMaNaNg…LaMan Nang iyong Ngiti. Sana sya’y mawili.

(Your smile is the greatest accessory. Kahit sino matik nagiging gwapo kapag nakangiti.)

* O for Obra!

(Gumawa ka ng isang master piece para sa kanya. Sketch ng mukha nya, isang tula o simpleng liham ng paglalahad ng pag-ibig mo para sa kanya.)

* Pa is for PRENO. Hinay lang ang takbo.

(Easy lang… Wag kang atat masyado. Dapat willing ka maghintay kung kelan ka sasagutin. Ok?)

* Ra… RATSADA. Magpaspas ligaw ka.

(Sige ka kung babagal-bagal ka baka maunahan ka pa ng iba. Ikaw din! Baka magsisi ka.)

* Sa… Give her SPACE. Distancia Amigo.

(Huwag mo sya masyadong sakalin at baka masyadong makulitan sayo. Imbes na sagutin ka e BUSTED ka pa.)

* T is for TOUGH.

(Dapat matibay ang loob kapag manliligaw ka.)

* UW… Dapat makuha..UBUSIN ang WAWA. Cry and cry till sya’y maawa.

(Okey lang umiyak kapag na-busted. Pero huwag kang susuko. Kapag may tiyaga may nilaga!)

* Lahat ng kailangan mong malaman para makilala ka at mapaibig ka ng isang babae is already in Y-O-U.

(MAGPAKATOTOO KA. Huwag magkunwari na ibang tao kapag manliligaw ng babae. Mas masarap yung mamahalin ka ng isang tao dahil sa ikaw di ba? Hindi dahil sa kung sinong ginaya mo?)

Monday, February 13, 2012

Unang Minahal

Wala nang mas sasaya at kikilig pa sa unang pag-ibig. Sa lugar, panahon at pagkakataon na di malilimutan at kailanman ay di mawawala ang mga alaala.

Hindi man kayo ang nagkatuluyan, xa pa rin ang una mong pag-ibig..una mong minahal. Pagmamahal na walang papantay at hihigit pa. Mananatiling espesyal sa kabila ng agos ng pagbabago ng panahon.

Unang pag-ibig..isang espesyal na dahilan kung bakit tayo naging masaya minsan.. Isang napakalalim na dahilan na kung bakit nais nating balik-balikan ang nakaraan. Isang nakaraan na ang sarap sariwain at gunitain. Isang lumang pag-ibig na handang isuko ang bagong mundo para muling makamit at maramdaman ito. Isang napakagandang simbolo ng kabataan at sariwang pagmamahalan.

Unang pag-ibig..sa panahon, lugar at pagkakataon kung saan at kailan sa kanya umiikot ang mundo at araw mo. Panahon, lugar at pagkakataon kung saan at kailan ang pagtatago ay unang senyales na iniibig mo xa..kinakabahan, pinagpapawisan at nauutal. Panahon kung kailan di alintana ang init at ulan, sermon ng mga magulang, tuksuhan ng mga kaibigan at kaklase at takdang-aralin at pagsusulit kinabukasan, estado ng buhay, pagod at hirap ng paghihintay..maikta at makasama mo lamang xa. Panahon kung kailan walang malaking problema maliban sa mga simpleng selosan. Panahon kung kailan di ka makatulog at makakain kakaisip sa kanya.

Walang ibang nakakapagngiti sayo ng sobra sobra bukod sa kanya. Unang pag-ibig..walang matagalang away. Pagmamahalang hiling na sanay panghabambuhay at walang hangganan. Ang sarap ng unang pag-ibig..

Ngunit, san na nga ba ang unang pag-ibig? Paano ito nagwakas? Kung tunay na nagmamahalan, bakit umabot ito sa hiwalayan? Paano kayo nagkalimutan?

Unang pag-ibig...hanggang sa pangalawa at pangatlo..=(

Tuesday, January 31, 2012

yummy pinoy foods

It's more fun in the Philippines! and more foods!

Bukod sa mga magagandang lugar na pwedeng pasyalan na talaga namang nakaka-relax, hindi nawawala ang masasarap na pagkain na inihahanda. Bawat probinsya may kanya-kanyang specialty na putahe. At ito ang nakaka-miss sa probinsya, ang mga lutong-bahay na pagkain. Aminin na ng iba, nakakasawa na talaga ang mga pagkain sa fast food chains. At kung gusto mo naman kumain ng masarap at totoong pagkain na freshly cooked talaga, sasakit naman ang wallet mo sa mga fine-dining restaurants.

Ito ang mga lutong pinoy na siguradong mabubusog ka na, swak pa sa budget, at healthy pa!

>Bicol Express<


>Pinaputukang Tilapia<
(yan daw tawag dyan..=D)


>Bulalo<


>Dinuguan<


>Sugpo<