Monday, February 13, 2012

Unang Minahal

Wala nang mas sasaya at kikilig pa sa unang pag-ibig. Sa lugar, panahon at pagkakataon na di malilimutan at kailanman ay di mawawala ang mga alaala.

Hindi man kayo ang nagkatuluyan, xa pa rin ang una mong pag-ibig..una mong minahal. Pagmamahal na walang papantay at hihigit pa. Mananatiling espesyal sa kabila ng agos ng pagbabago ng panahon.

Unang pag-ibig..isang espesyal na dahilan kung bakit tayo naging masaya minsan.. Isang napakalalim na dahilan na kung bakit nais nating balik-balikan ang nakaraan. Isang nakaraan na ang sarap sariwain at gunitain. Isang lumang pag-ibig na handang isuko ang bagong mundo para muling makamit at maramdaman ito. Isang napakagandang simbolo ng kabataan at sariwang pagmamahalan.

Unang pag-ibig..sa panahon, lugar at pagkakataon kung saan at kailan sa kanya umiikot ang mundo at araw mo. Panahon, lugar at pagkakataon kung saan at kailan ang pagtatago ay unang senyales na iniibig mo xa..kinakabahan, pinagpapawisan at nauutal. Panahon kung kailan di alintana ang init at ulan, sermon ng mga magulang, tuksuhan ng mga kaibigan at kaklase at takdang-aralin at pagsusulit kinabukasan, estado ng buhay, pagod at hirap ng paghihintay..maikta at makasama mo lamang xa. Panahon kung kailan walang malaking problema maliban sa mga simpleng selosan. Panahon kung kailan di ka makatulog at makakain kakaisip sa kanya.

Walang ibang nakakapagngiti sayo ng sobra sobra bukod sa kanya. Unang pag-ibig..walang matagalang away. Pagmamahalang hiling na sanay panghabambuhay at walang hangganan. Ang sarap ng unang pag-ibig..

Ngunit, san na nga ba ang unang pag-ibig? Paano ito nagwakas? Kung tunay na nagmamahalan, bakit umabot ito sa hiwalayan? Paano kayo nagkalimutan?

Unang pag-ibig...hanggang sa pangalawa at pangatlo..=(

No comments:

Post a Comment