Tips sa panliligaw para sa inyo mga BOYS:)
(Harana ni Nicos mula sa Nestle Philippines Kasambuhay Habambuhay Short Film Anthology: “OH! Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah!”)
* A for ALIPIN. Magpa-alila ka. Ibigay mo ang lahat sa kanya.
(Yeah! Syempre dapat mag-effort ka at ipakitang lahat kaya mong gawin para sa kanya.)
* Ba for BANDERA. Isigaw mo sa madla! Ilakas mo at huwag kang mahiya!
(Tama! Kung mahal mo, huwag mong itago! Paano nya malalaman kung di mo sasabihin.)
* Ka for KILITI. Dapat mahuli mo.
(Alamin ang mga LIKES at DISLIKES nya.)
* Da is for the DA MOVES.
(Create your own style para mapansin ka nya.)
* E for EXTRA EFFORT. Laging may sobra.
(Syempre, pa-impress ka naman.)
* Ga is for GALANGIN MO SYA.
(Numbero unong gusto namin sa lalake yung marunong rumespeto sa mga babae at matatanda.)
* Ha mag-HOKUS POCUS ka.(ABAKADAkabra!)
(Do some magic.Inde literal syempre.)
* I for INSEKTO. Para mapasiga… mapayakap sayo.
(Para-paraan… hahaha)
* LaMaNaNg…LaMan Nang iyong Ngiti. Sana sya’y mawili.
(Your smile is the greatest accessory. Kahit sino matik nagiging gwapo kapag nakangiti.)
* O for Obra!
(Gumawa ka ng isang master piece para sa kanya. Sketch ng mukha nya, isang tula o simpleng liham ng paglalahad ng pag-ibig mo para sa kanya.)
* Pa is for PRENO. Hinay lang ang takbo.
(Easy lang… Wag kang atat masyado. Dapat willing ka maghintay kung kelan ka sasagutin. Ok?)
* Ra… RATSADA. Magpaspas ligaw ka.
(Sige ka kung babagal-bagal ka baka maunahan ka pa ng iba. Ikaw din! Baka magsisi ka.)
* Sa… Give her SPACE. Distancia Amigo.
(Huwag mo sya masyadong sakalin at baka masyadong makulitan sayo. Imbes na sagutin ka e BUSTED ka pa.)
* T is for TOUGH.
(Dapat matibay ang loob kapag manliligaw ka.)
* UW… Dapat makuha..UBUSIN ang WAWA. Cry and cry till sya’y maawa.
(Okey lang umiyak kapag na-busted. Pero huwag kang susuko. Kapag may tiyaga may nilaga!)
* Lahat ng kailangan mong malaman para makilala ka at mapaibig ka ng isang babae is already in Y-O-U.
(MAGPAKATOTOO KA. Huwag magkunwari na ibang tao kapag manliligaw ng babae. Mas masarap yung mamahalin ka ng isang tao dahil sa ikaw di ba? Hindi dahil sa kung sinong ginaya mo?)